^

Police Metro

Libreng pabahay sa kaanak ng mga pulis at sundalo na namatay sa giyera

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinupad na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na libreng pabahay sa mga kaanak ng mga sundalo at pulis na namatay sa naganap na mga digmaan sa bansa tulad ng kaguluhan sa Marawi City.

Ito ay makaraang ianunsyo ng National Housing Authority (NHA) na bukas na ang aplikasyon para tumanggap ng mga kaanak ng mga sundalo at pulis na namatay o mga mga killed in action (KIA) sa mga giyera sa bansa.

Sinabi ni Architect Susana Nonato, head ng PNP-AFP Housing project ng ahensiya, may 73 KIA na kaanak ng  sundalo at 30 KIA na  kaanak ng pulis ang benepisyaryo na ngayon ng libreng pabahay ng Duterte administration sa ilalim ng Comprehensive Social Benefit Program ng pamahalaan.

“Priority natin nga­yon ang mga AFP/PM KIA,bawat pulis na namatay sa giyera, bawat sundalo na namatay sa giyera ay pinagkakalooban namin ng P450,00 worth ng housing unit. Libre po ito gaya po ng naipangako ni Pangulong Duterte, kung mayroon naman pong lupain ang immediate family ng KIA AFP at PNP personnel at gusto nilang doon magpatayo ng bahay ay bibigyan po sila ng NHA ng P450,000 na halaga ng bahay at kung ire-repair po ang bahay ay P100,00 po ang ibibigay ng NHA,” pahayag ni Nonato.

Anya ang budget na laan dito ng pamahalaan ay kasama sa P6 bilyong budget housing project ng gobyerno.

Ang mga lugar na pagtatayuan ng libreng pabahay ay nasa Da vao, Iligan, LaUnion, Zamboanga at iba pa na ang pabahay ay may 80 square meter floor area.

Inanunsiyo din ni Nonato na umaabot naman sa 60,265 na mga sundalo at pulis kabilang na ang mga bumbero, jail personnel at Bucor personnel ang nagpasakop na sa progra­mang pabahay ng pamahalaan sa Bulacan at Davao na  may monthly amortization na P400 a month at target ng NHA na maiturn over sa 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with