^

Police Metro

Indian trader dinukot

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang negosyanteng Indian national ang hinarang at dinukot ng mga armadong suspek habang siya ay sakay ng motorsiklo at bumabagtas  sa  kahabaan ng Putol-Magdalo Road, Barangay Putol, Kawit, Cavite, kahapon.

Ang biktima ay kinila­lang si Harjinder Singh Talwar, 44, alias Jhonny, may asawa, ng Carenville Subd., Brgy. Putol ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, kahapon ng alas-8:30 ng umaga nang ireport ng misis na si Nory, 50-anyos sa pulisya ang pagdukot sa kanyang mister dakong alas-7:10 ng umaga habang sakay ito ng kanyang  Honda Beat na walang plaka ng mga suspek na sakay umano ng Toyota Innova (AAB-7376), kulay abo na humarang sa biktima at sapilitan itong  isinakay.

Hanggang sa kasaluku­yan ay wala pang natatanggap na tawag o text ang pamilya mula sa mga suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with