^

Police Metro

Ex- DOTC chief Abaya kinasuhan sa MRT maintenance deal

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsampa kahapon ng kasong graft  ang Department of Transportation laban sa 30 dating mga opisyal ng Department of Transport and Communication na  pinangunguna ni dating secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na may kaugnayan sa  umano’y maanomalyang kontrata sa service provider ng  MRT-3. 

Noong nakaraang linggo ay ipinagbigay alam ng gobyerno ang MRT service provider Busan Universal Rail Inc. (BURI) na kakanselahin na nila ang P3.8 billion kontrata dahil sa mga nagaganap na mga pagtirik ng tren ng MRT.

Pinangunahan ni Transport Undersecretary Reinier Paul Yebra ang pagsampa ng 29 pahinang reklamo laban sa BURI na may “anomalya” at may “iregularidad” umano ang kontrata.

Ayon kay Yebra na nakuha ng Busan Joint Venture (JV) ang kontrata sa pag-maintain ng maintaining MRT systems, pag-overhauling ng tren at pagpapalit ng  signalling system noong  December 21, 2015.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with