^

Police Metro

Ipinadalang SAF troopers sa Marawi aalisin na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula bukas ay aalisin na ang daang puwersa ng elite forces ng PNP –Special Action Force (SAF)  na ipinadala para tumulong sa puwersa ng militar na supilin ang rebelyon sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” Dela Rosa at isang espesyal na pagkilala rin ang nakatakdang igawad sa mga magigiting na SAF troopers.

Ito’y kasunod naman nang pagtatapos ng krisis at combat operations kahapon ng security forces sa Marawi City matapos ang 154 araw o limang buwang opensiba upang supilin ang Maute-ISIS.

Binigyang diin ni Dela Rosa na hindi lang gaanong napapabalita sa media ang magandang accomplishments ng PNP-SAF pero malaki ang kanilang naging kontribusyon upang mapalaya sa terorismo  ang Marawi City .

Ayon kay Dela Rosa, mismong ang mga sundalo ang nagkuwento na humanga sila sa kakayahan ng PNP-SAF sa pakikipagbakbakan at sa katunayan ay pitong miyembro ang nasawi  at  61 naman ang nasugatan sa kanilang hanay.

Idinagdag pa ni Dela Rosa na kung si Pangulong Duterte ay may pa Hong Kong trip sa mga sundalong nakipagbakbakan  ay may pa-bulalo naman siya lalo na sa mga babaeng elite forces ng SAF.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with