^

Police Metro

Cavite encounter: 5 todas

Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao ang nasawi kabilang ang lider ng gun for hire at 15-anyos nitong live in partner nang kumasa umano sa mga otoridad kahapon ng madaling araw sa Brgy. Caridad, Cavite City.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Airon Cruz alyas Praning at Toyo, lider ng grupo, live-in partner nitong si Charlie Jean Dimapilis, kapwa residente ng Lopez Jaena Street, Brgy.30 Caridad habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo pang miyembro ng grupo.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout dakong alas-3:45 ng mada­ling araw sa  bakuran ng  bahay ng suspek sa nasabing lugar ay nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga  pulis sa  pamumuno ni Sr. Inspector Gilbert Derla sa bisinidad na kinaroroonan ng safehouse ni Cruz.

Habang nasa limang metrong distansya ang mga pulis ay agad sinalubong ng pagpapaputok ng grupo ng mga suspek  na nauwi sa shootout.

Sa kasagsagan ng shootout ay isa-isang bumulagta ang mga suspek na namatay noon din habang tatlo pa sa miyembro ng sindikato ang nakatakas.

Ang grupo ng suspek ay kilalang mga hired killers sa Cavite at sangkot din sa droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with