^

Police Metro

TF Kontra Kolorum inumpisahan na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng bagong “Task Force Alamid” ng Inter-Agency Committee on Traffic (IACT) na tututok sa pa­ng­huhuli sa mga kolorum na mga pampublikong behikulo lalo na ngayong inaasahan ang mga pa­nanamantala sa pagpasok ng Kapaskuhan.

Sinabi ni IACT spokesperson Elmer Argano na pamumunuan ang Task Force ni IACT Commissioner ret. Gen. Manny Gonzales at nasa ilalim rin ng superbisyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager, Undersecretary Tim Orbos. 

Ang Task Force ay bubuuin ng mga tauhan buhat sa Department of Transportation (DOTr) at mga attached agency nito kabilang ang Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board; MMDA, at mga local na pamahalaan.

Noong Oktubre 19 ay  nasa 10 kolorum na mga sasakyan ang nahuli sa may MIA Road at Roxas Boulevard dahil sa nakapag-radyo ang mga van drivers sa kanilang mga kasama na bumibiyahe.

Ang tiket na may pinakamataas na multa umano ang gagamitin ng Task Force sa panghuhuli dahil sa inaabuso lamang ang paniket ng MMDA na may mababalang multa.

Nabatid na nasa P200,000 multa at tatlong buwang impound ang parusa sa mga mahuhuling kolorum.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with