^

Police Metro

‘Sinkhole’ sa EDSA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong araw ay inaasahang matatapos na ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  sa nadiskubreng “sinkhole” sa may EDSA malapit sa interseksyon ng Connecticut St.,Quezon City.

Magugunita na noong Huwebes ay natuklasan ang sinkhole ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group nang mabutas ang isang bahagi ng kalsada kaya ito ay agad na isinara ang dalawang lanes ng EDSA sa motorista dahil sa panganib na maidudulot.

Inumpisahan ang road reblocking dakong alas-11:00 ng gabi nitong Sabado at inaasahang matatapos ngayong Lunes. 

Kabilang sa aksyon na ginawa ng DPWH ang pagpuno ng aspalto sa loob ng naturang sinkhole para humalili sa nawawalang lupa.

May lalim ng higit sa isang talampakan ang sinkhole at may haba na halos siyam na metro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with