^

Police Metro

Bangkay ng babae sa bakanteng lote

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang hindi pa kilalang bangkay ng babae ang natagpuan kahapon ng umaga sa isang bakanteng lote sa Quirino Highway, Quezon City.

Inilarawan ng pulisya ang natagpuang bangkay ng babae na nasa pagitan ng edad 20-24, mahaba ang buhok at nakasuot ng sando at short pants.

Puno ng pasa at duguan ang katawan ng hindi pa kilalang babae nang ito ay matagpuan dakong alas-5:00 ng umaga sa bakanteng lote. 

Batay sa pagsisiyasat ng mga nagrespodeng tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng QCPD, posibleng pinatay ang babae sa ibang lugar at doon lamang itinapon ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with