^

Police Metro

Bisor ng DepEd, 1 pa utas sa bangga

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang supervisor ng Department of Education (DepEd) at isang kasama nito matapos na bumangga ang kanilang sinasakyan sa kasalubong na trak sa pakurbadang bahagi ng Barangay Tuburan, Mabini Nabunturan, Compostela Valley.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Judy Ann Barulo, 36, Technology Livelihood Entrepreneurship Supervisor ng DepEd, at driver na si Marcial Pamen, 40.

Nasugatan nama sina Nohara Pinute at Josie Bolofer, kapwa guro, dri­ver ng forward truck na si Tito Paler, at ang pahinante nitong si Ryan Paques.

Batay sa ulat, galing sa DepEd Division Office sa Nabunturan, Compostela Valley ang grupo ni Barulo at sakay ng kanilang service vehicle at pauwi na sa Mabini nang makasalpukan ang trak sa pakurbadang bahagi ng Barangay Tuburan.

Halos nayupi na parang lata ang sasakyan ng DepEd supervisor dahil sa malakas na pagkakabangga na ikinasawi ng mga biktima.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple physical injury ang driver ng forward truck na si Paler.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with