^

Police Metro

Beybi, tatay patay sa martilyo

Pang-masa

Hinataw habang natutulog...

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 29-anyos na tatay at anak nitong limang buwang gulang na sanggol na lalaki habang kritikal ang lagay sa ospital ng nanay matapos silang hatawin ng martilyo ng isang binata sa loob ng kanilang tindahan na RTW kahapon ng madaling araw sa Mandurriao Plaza, Iloilo City.

Ang mag-amang nasawi ay sina Muamar Ditingki; at limang buwang sanggol na anak na si Mohamed 5. Habang malubhang nasugatan ang misis nitong si Asnifah Ditingki, 28, ng Zarraga, Iloilo.

Kaagad namang na­aresto ang suspek na si Mark Ganava, 19 ng Barangay Mambagaton, Himamaylan, Negros Occidental na pansamantalang nakatira sa Calahunan, Mandurrlao ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng Mandurriao Police, bago naganap ang krimen dakong alas-3:45 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang mag-anak sa loob ng kanilang tindahan.

Dito sila ay pinasok ng suspek at agad na pinagpapalo ng martilyo sa ulo at mga katawan na agad ikinasawi ng mag-ama.

Narekober sa crime scene ang martilyo na ginamit ng suspek na ngayon ay nakapiit sa detention cell ng Mandurriao-PNP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with