^

Police Metro

Marawi troops doble ang sahod

Gemma Garcia - Pang-masa
Marawi troops doble ang sahod

Inindorso na rin umano ng Department of Budget and Management (DBM) sa Senado at Kamara ang isang draft resolution na opisyal na nagbibigay ng 100 porsiyento salary increase para sa police at military personnel. File

MANILA, Philippines — Nakatakdang dob­­lehin ng pa­mahalaan ang sahod ng mga police at military personnel lalo na ang mga tropa na nakipaglaban sa mga Maute-ISIS sa Marawi City.

Ito ang tiniyak ni House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Nograles bilang suporta sa pahayag ni Pangulong Duterte na doblehin ang sahod ng mga pulis at sundalo.

Anya, nararapat lamang na bigyan ng ma­taas na sahod ang mga unipormadong babae at lalaki na nakipaglaban sa Marawi City na nanga­nib ang kanilang buhay sa pakikipaglaban sa mga teroristang grupo.

Inindorso na rin umano ng Department of Budget and Management (DBM) sa Senado at Kamara ang isang draft resolution na opisyal na nagbibigay ng 100 porsiyento salary increase para sa police at military personnel.

Idinagdag pa ng  kongresista na ito ang tamang procedure ng Kongreso lalo na ng Kamara na mayroong power of the purse o kapangyarihan para maglaan ng pondo para magastos ng gobyerno.

Tiniyak ni Nograles, na aaprubahan ang draft resolution sa sandaling mag-resume ang sesyon ng Kongreso  sa Nobyembre 13.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with