^

Police Metro

Construction worker tigok sa hataw ng barbel sa ulo

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na nasawi ang isang construction worker matapos itong hatawin sa ulo ng isang improvised barbell ng kanyang kasamahan sa trabaho makaraang magbuno dahilan ng isang mainit na pagtatalo habang nag-iinuman sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Dominador Bagasala, nasa hustong gulang, sanhi ng matinding tama sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek. Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng barracks ng biktima at suspek sa construction site sa Bern at Copenhagen Sts., Vista Verde Subd, Brgy.167 Llano, ng nasabing lungsod.

Matapos na makainom ng alak ang dalawa at malasing ay nagtalo ito sa hindi mabatid na bagay. Humantong sa suntukan ang kanilang pagtatalo hanggang sa dinampot ng suspek ang nasa 15 kilong barbell at hinataw ito nang malakas sa ulo ng biktima. Dito na nabuwal ang biktima na agad rin namang itinakbo sa pagamutan ngunit idineklara ring dead-on-arrival. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with