^

Police Metro

Karambola sa kalsada: 1 patay, 22 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang janitor habang sugatan naman ang 22 katao makaraang magkarambola ng siyam na sasakyan sa Commonwealth Aveneu, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Dominador Petralve Caina, 48-anyos, janitor sa isang kilalang mall sa lungsod at residente ng Lucas St, Sto. Nino, Payatas, Quezon City bunsod ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Ang iba pang nasugatan naman ay isinugod sa East Avenue Medical Center, Quezon City General Hospital at Amang Rodriguez Hospital sa Marikina.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng pasa, galos, pilay at bukol sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan na pawang nasa ligtas naman na kalagayan.  

Sa imbestigasyon ng QCPD Taraffic Bureau, nabatid na dakong alas-9:30  ng gabi noong maganap ang aksidente sa ng Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa report, binabagtas ng Fermina Express bus (ABD-7702) ang Commowealth Avenue papunta ng Fairview nang bigla umano itong mawalan ng preno dahilan para salpukin sa likurang bahagi ang Renan Transit bus (UVL-305) habang ito’y nagsasakay at nagbaba ng pasahero.

Sanhi ng banggaan ng dalawang bus ay na­damay na pati ang dalawang jeepney, 5 pribadong sasakyan at isang motorsiklo.

Nagdulot naman ng matinding trapiko sa lugar ang naturang karambola na tumagal rin ng ilang oras.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries ang driver ng Fermina bus habang nangako naman ang management ng bus company na sasagutin ang pagpapagamot sa mga nasugatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with