^

Police Metro

Marawi, bantay-sarado pa rin sa militar

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Malacañang na mahigpit pa ring nagbabantay ang tropa ng gobyerno laban sa mga natitirang terorista sa Marawi City kahit pa nagdeklara na ng liberation si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, bagaman at sinimulan na ang pag-pull-out ng mga sundalo sa Marawi City hindi nangangahulugan na tapos na talaga ang labanan sa pagitan ng gobyerno at ng mga natitira pang miyembro ng Maute terrorist group.

Sinabi ni Abella na kahit pa nabawasan ang puwersa ng mga kalaban, patuloy pa ring magiging alerto ang tropa ng gobyerno para na rin sa kaligtasan ng mga residente.

“While enemy force has greatly diminished, we will continue to be alert and assure the residents of the city that we will not compromise its security with the presence of some units of the Armed Forces,” pahayag ni Abella.

Tiniyak din ni Abella na hindi hihinto ang gobyerno sa pagbabantay sa iba pang lugar na posibleng manganib sa natitirang network ng Maute group habang isinasagawa ang rehabilitasyon sa Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with