^

Police Metro

DNA test kay Hapilon, positibo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiyak at positibong ang lider ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon ang napatay ng magigiting na tropa ng militar sa ikinasa nitong assault operation noong Lunes sa halos limang buwang krisis sa lungsod ng Marawi.

Ito ang kinumpirma nitong Sabado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana base sa resulta ng DNA test na isinagawa ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) sa sample ng tissue ni Hapilon.

“We have received an official report that the US Federal Bureau of Investigation has confirmed that the DNA sample taken from a body recovered by our operating units in Marawi matches that of Isnilon Hapilon “, pahayag ni Lorenzana .

Sa kasalukuyan, ayon kay Lorenzana ay patuloy namang sumasailalim sa proseso ng DNA test ang sample ng ‘body tissue ‘ na nakuha naman sa isa pang lider ng Maute na si Omar Maute na agad ipababatid sa pamahalaan ng US-FBI ang magiging resulta sa lalong madaling panahon.

Si Hapilon ay may patong sa ulong $ 5-M mula sa pamahalaan ng Estados Unidos at karagdagang P 10-M mula sa gobyerno habang si Omar Maute ay P 5-M ang reward.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Año na instant millionaire ang dalawang tipsters na nagturo sa gusaling ng ki­naroroonan ng nagtatagong grupo ng dalawang lider ng mga terorista na nasa likod ng Marawi siege lalo na ngayong nag-positibong si Hapilon ang isa sa mga nasawi.

Sinabi ng Chief of Staff na sasailalim sa masusing proseso ang pagbibigay ng reward sa dalawang tipster na maghahati sa milyong halaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with