^

Police Metro

Ama, 2 anak todas sa trak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang ama at dalawa nitong anak matapos na masalpok ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa highway ng Brgy. Robles, La Castellana, Negros Occidental.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mag-aamang sina Elmer Lopez, 45; Merjun Lopez, 27; at Romer Lopez, 18.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang isa pang biktima na si Orlan Trio, 20 taong gulang, isang manggagawa.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-5:15 ng hapon sa harapan ng Buena Park Subdivision, Brgy. Robles, La Castellana ay kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang motorsiklo na minamaneho ng padre de pamilya angkas ang dalawang anak at kaibigan nang mabangga ang isang aso na naging dahilan para magpagewang-giwang ang takbo ng motorsiklo sa madulas at basang kalsada sanhi ng pag-ulan.

Nagkataon naman na parating ang kulay pu­ting Canter truck (YCR 161) na puno ng kargang saku-sakong palay na minamaneho ni Joemarie Valenzuela, 41,ng Bago City, Negros Occidental at nasalpok ang motorsiklo ng mga biktima.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima na nagtamo ng matitinding sugat sa iba’t ibang parte ng ulo at katawan kaya’t mabilis na dinala sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay ang mag-aama habang inoobserbahan si Trio.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with