^

Police Metro

Binata ipinaaresto ng dating nobya

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis sa isang entrapment ope­ration ang 28-anyos na la­laki makaraang magbanta sa kanyang da­ting nobya na ipo-post sa Facebook ang hubad nitong larawan at video kamakalawa sa Malabon City.

Ang suspek ay kinila­lang si Jaymar Gozon, 28, binata, ng no. 111 D.C. Bauza St., Brgy. Bagumbayan South, Navotas City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pag-aresto sa suspek ay dumulog sa Malabon City Police ang biktimang si Camille Atienza, 25, para ireklamo ang una na nagbabanta na  ipo-post nito ang hubad niyang larawan kung hindi siya makikipagkita.

Nagplano ng entrapment operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct 6 at naki­pagkasundo si Atienza kay Gozon na makikipagkita. 

Hindi na nakapalag si Gozon nang dakpin ng mga pulis sa loob ng isang fastfood chain sa may Rizal Ave., Brgy. Tañong, Malabon at kinumpiska sa kanyang cellphone kung saan naka-store ang mga hubad na larawan at vi­deos ng biktima.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at grave coercion.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with