^

Police Metro

500 sundalo sa Marawi pinauwi na

Joy Cantos - Pang-masa
500 sundalo sa Marawi pinauwi na

Masayang kumakaway kahapon ang mga sundalo sa mga residente para umuwi na sa kanilang pamilya matapos ang halos 5 buwan na pakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi City. - KJ Rosales -

MANILA, Philippines — Pinauwi na ang nasa 500 sundalo na nakadeploy sa Marawi City matapos na mapaslang ang mga matataas na lider ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na siya ring naging hudyat upang ideklarang malaya na ang lungsod sa tero­ristang grupo.

Kahapon lulan ng C130 plane ay dumating na sa Villamor Air Base bandang alas-4:00 ng hapon ang isang batalyon o 500 sundalo na tropa ni Col. Christopher Tampus, Commander ng 1st Infantry “Always First” Battalion ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army.

Si Tampus at tatlo pang company comman­der ng Army’s 1st Infantry Battalion ay ginawaran ng Silver Cross Medal.

Nabatid na bahagi ng tropa ni Tampus ay ma­ngangalaga sa seguridad sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders Summit sa darating na Nobyembre.

Inihayag naman ni Galvez na ang anim pang batalyon ng mga sundalo ay mananatili muna sa Marawi City para tumulong sa isasagawang rehabilitasyon sa pagbangon ng lungsod matapos sumiklab ang gulo noong Mayo 23 na kung saan ay  umaabot na sa 1,108 ang nasawi at ang 897 dito ay Maute-ISIS, habang ang 164 ay mga sundalo at 47 naman ang sibilyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with