100 bagong jeep bibiyahe na sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Bago matapos ang taong 2017 ay aarangkada na ang nasa 100 bagong jeep sa mga lansangan sa bansa partikular sa Metro Manila na magiging kapalit ng mga bulok na jeep na hindi na papayagang makapasada.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, may 180,000 jeepneys nationwide ang papalitan ng mga bagong unit sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.
Una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na sa unang araw ng Enero 2018 ay wala na ang mga bulok na pampasaherong jeep sa kalye na aabot sa 600,000 jeepney drivers at operators ang maaapektuhan.
Noong October 12 ay nangasiwa ng expo ng mga updated modern jeepneys ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Trade and Industry kung saan ang mga local manufacturers ay nagbuo ng mga prototype vehicles na naaayon sa DOTr specifications.
Nais ng pamahalaan na palitan ang mga bulok na jeep na may edad 15 taon pataas ng mga environment-friendly jeepneys na may mga safety features.
- Latest