^

Police Metro

Lolo pinasabog ang sarili

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lasog ang katawan ng isang 64-anyos na lolo matapos nitong pasabugin ang hawak niyang granada dahil sa pag-iwan sa kanya ng misis kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Vicente, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ang nasawi ay kinilalang si Placido Francisco, magsasaka, residente ng Purok 1, Brgy. San Vicente, Tungawan ng lalawigang ito.

Nabatid na natagpuang putol ang  mga kamay, warak ang katawan at mukha ng biktima.

Bago ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng kanilang bahay ay hindi umano nito nakayanan ang depresyon dahil sa ginawang pag-iwan ng asawa at tumuloy sa bahay ng anak sa Brgy. Lower Tungawaran.

Narekober ng mga nagrespondeng otoridad ang mga sharpnels nang sumabog na granada.

Nabatid na ang nasabing granada  ay pag-aari ng anak nitong CAFGU na kinuha nito sa kuwarto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with