^

Police Metro

Malaysian ISIS, 19 Maute napatay

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagpapatuloy ng assault operation ng tropa ng militar ay napatay ang 20 terorista kabilang ang  Emir ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Malaysia sa ika-150 araw ng krisis sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief  of Staff Gen. Eduardo Año, nitong Miyerkules  ng gabi ay 13 ang napaslang na teroristang Maute-ISIS ng assault team ng Joint Task Force (JTF) Marawi at kahapon ng umaga ay pito pang terorista ang sumunod na tumimbuwang. 

Sinasabing kabilang sa mga nasawi ay ang Emir ng ISIS sa Malaysia na si Dr. Mahmoud Ahmad pero ayon sa Chief of Staff ay kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng beripikasyon ukol dito habang patuloy ang bakbakan sa lugar.

 Magugunita na nagbigay ng ultimatum ang Chief of Staff sa nalalabi pang Maute-ISIS na magsisuko kung nais pang mabuhay dahilan sa hindi sila tatantanan ng tropang gobyerno hanggang sa kaisa-isahang terorista sa battle zone.

Ang pagpapatuloy ng assault operations ay kasunod naman ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na sa terorismo ang Marawi City nitong Martes matapos namang mapatay noong Oktubre 16 ng madaling araw ang dalawang lider ng  Maute-ISIS na sina Isnilon Hapilon, Emir ng ISIS sa Southeast Asia at Omar Maute.

Sa panig naman ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner Jr., na sa kasalukuyan ay hindi pa makuha ang bangkay ni Dr. Mahmoud dahilan sa may mga ‘sniper fires’ pa sa lugar ng bakbakan.

Inihayag nito na isa sa mga sniper ng militar ang nakapatay kay Dr. Mahmoud kaugnay ng misyong mapanumbalik ang peace and order sa lungsod ng Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with