^

Police Metro

Patay na sanggol sa backpack

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang patay na sanggol na nakalagay sa backpack ang natagpuan sa basurahan  ng isang condominium kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Sa ulat, dakong alas-3:55 ng hapon nang matagpuan ng mangangalakal ng basura na si Mariel Dela Torre, 36 ang backpack sa basurahan ng Central Park II Condominium  sa  D. Jorge St., Brgy. 132 ng lungsod.

Sa pag-aakalang may laman na mapapakinabangan ay agad niya itong binuksan at ganun na lamang ang kanyang pagkagulat na ang laman ay isang patay na bagong silang na sanggol.

Kaagad niya itong sinabi sa sekyu ng condo na siya namang nag-report sa pulisya.

Bagama’t may CCTV sa lugar ay hindi naman ito gumagana kaya’t blangko ang pulisya kung sino ang nagtapon ng backpack na may patay na sanggol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with