^

Police Metro

Medtech student nag-dive sa 5th floor

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 22-anyos na lalaking college student matapos itong tumalon mula sa roof deck ng tinutuluyang dormitory sa Brgy. Zone 4, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Patrick Sarao, binata, medical student ng De La Salle Health Science and Institute at nanunuluyan sa Room 106 ng Antlers Place Dormitory sa nasabing lugar.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-3:50 ng hapon ay nakita ang biktimang naglalakad na may kausap sa kanyang cellphone at paakyat sa ikalimang palapag na roof deck ng dormitory.

Pagdating sa roof deck ay bigla na lamang itong tumalon at bumagsak sa ground floor na ikinagulat ng mga tao na na nasa ibaba.

Isinugod ang biktima sa DLSU-University Medical Center, subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

Hindi na pinaimbestigahan ng kapatid ang insidente sa pulisya dahil naniniwala na walang naganap na foul play.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with