^

Police Metro

Abu Sayyaf na pinsan ni Hapilon, 2 pa sumuko

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng hindi na nakayanan ang pagtugis ng tropa ng militar kaya’t minabuti ng pinsan ng nasawing lider ng Abu Sayyaf Group na si Isnilon Hapilon na sumuko na lamang kasama ang dalawang miyembro ng teroristang bandido noong Martes sa lalawigan ng Basilan.

Kinilala ni Col. Juvymax Uy,Commander ng Army’s 104th Infantry Brigade at Joint Task Force (JTF) Basilan ang mga sumukong pinsan ni Hapilon na si Ben Salina Sapilin, at dalawang kasama na sina Rami Ben Sapilin Attik at Muhamad Endeng alyas Aburayhad.

Batay sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon nang sumuko sina Sapilin sa tropa ng 74th Infantry Battalion sa ilalim ng pamumuno ni Lt.Col. Jonas Templo na nasa ilalim ng operational control ng JTF Basilan sa Brgy. Macalang, Al Barka, Basilan.

Ang mga nagsisukong bandido ay pawang mga tauhan ng notoryus na si Commander Furuji Indama, lider ng Abu Sayyaf na nakabase sa lalawigan.

Isinurender rin ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang M16 rifle, isang cal 30 M1 garand rifle na may kasamang isang magazine at tatlong rounds ng bala at isang M79 rifle.

Magugunita na si Hapilon kasama si Omar Maute ay napatay ng tropa ng militar sa isang assault operation sa Marawi City noong Lunes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with