^

Police Metro

Rody: Marawi siege ‘di na mauulit

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos na ideklara nito na malaya na ang Marawi City sa kamay ng mga terorista nang mapatay ang dalawang lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute ay na­ngako si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na ito mauulit pa.

“Ang pangako ko kay Allah, hindi na ito mauulit. I will never, never, never again papayag ako na mag-ipon ng armas tapos gawin ng…Hindi na mangyayari yan,” giit pa ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga sundalo at Maranao nang bumisita siya sa ika-7 pagkakataon sa Marawi City kamakalawa.

Nanguna ang Pangulo sa pag-awit ng national anthem habang itinataas ang watawat ng Pilipinas kasunod ng pagdedeklara niyang malaya na ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

“Wag na natin itong ulitin kailanman. Sa panahon ko, hindi ako papayag. Government must have access dito sa loob,” dagdag pa ni Duterte.

Magtatayo ng military camp ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi City upang masi­guro na hindi na mauulit ang nangyaring ito na nakapag-ipon ng armas at bala ang mga te­rorista sa kanilang planong terorismo.

Magugunita na nilusob ng Maute-ISIS group ang Marawi City noong Mayo 23 habang nasa official visit sa Russia ang Pangulo hanggang sa magdeklara ito ng martial law sa buong Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with