Termino ni Ombudsman Morales tapos na
MANILA, Philippines — Dapat na umanong bakantehin ang posisyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ito ang inihaing petisyon ni dating Metro Manila Transit General Manager Al Vitangcol III sa Korte Suprema dahil sa nagtapos na noong November 30, 2012 ang termino ni Morales dahil kukumpletuhin lamang nito ang natitira pang termino ng nagbitiw na Ombudsman Merceditas Gutierrez noong May 6, 2011.
Hiniling rin ni Vitangcol na ideklarang walang bisa o null and void ang lahat ng kautusan ni Morales mula December 1, 2012 hanggang sa kasalukuyan.
Nais rin ni Vitangcol na ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Section 8 ng Republic Act 6770 o ang Ombudsman Act of 1989 dahil kumukontra sa intensyon ng batas na nagsasabing dapat kumpletuhin lamang ng isang bagong appointee ang unexpired term ng Ombudsman.
Tiniyak ng Section 8 ng Ombudsman Act ang pitong taong termino para sa Ombudsman at Deputy Ombudsman.
- Latest