^

Police Metro

Misis ni-rape/slay at sinunog pa

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi sukat akalain ng isang 34-anyos na misis na ang pakikipag-meet niya sa ka-textmate ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos na matagpuan ang sunog niyang bangkay kamakalawa sa Sultan Mastura, Maguindanao.

Ang biktima ay nakilalang si Mila Amporias, may-asawa, may apat na anak at residente ng Sitio Gumagadong, Brgy. Calawag, Parang, Maguindanao.

Sa salaysay ng kaanak sa pulisya na noong nakaraang linggo pa hindi nakauwi ng bahay ang biktima matapos na ito ay makipagtagpo sa kanyang ka-textmate at hindi na nila ito makontak sa kanyang cellphone kaya’t ito ay kanilang iniulat sa pulisya.

Kahapon ay nakatanggap sila ng ulat sa pulisya tungkol sa pagkakatagpo sa sunog na bangkay ng isang babae sa gilid ng ilog ng nasabing lugar na pawang nakatali ang paa’t kamay at hubad ang pang-ibabang katawan na posibleng ginahasa.

Nang puntahan ay nagpositibo sila na iyon ang biktima dahil sa pa­latandaan nito sa katawan para makipagtagpo sa textmate.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with