^

Police Metro

Bangkay ng kasambahay sa ilalim ng lababo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ng kanyang amo ang kanilang katulong sa ilalim ng lababo sa basement ng bahay sa Brgy. Old Balara, Quezon City noong Sabado ng alas-11:45 ng umaga.

Ang biktima na may mga saksak ay kinilalang si Analiza Garde, 44, dalaga, stay-in helper sa 69 Paris St., Capitol Homes, Brgy. Old Balara.

Pinaghahanap naman ng mga otoridad ang kasamahang helper na si Diane Todillo, na kasamang nakatira ng biktima sa basement ng bahay na umalis noong isang araw bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

Ayon kay Cesar Cabacungan, 69, negosyante, at amo ng biktima, kukuha umano sana siya ng pagkain ng aso nang mapuna ang mga patak ng dugo sa hagdan sa laundry area, kaya’t kaagad na tinawag ang kanyang anak na si Cezan.

Kaagad nilang inalam kung saan nagmumula ang dugo at laking gulat nang makita ang bangkay ng biktima sa ilalim ng lababo kaya’t kaagad na itinawag sa guwardiya ng subdibisyon na si Benjamin Bautista, na siya namang tumawag sa pulisya.

Huling nakitang buhay ng mga amo ang biktima matapos na pagsilbihan sila sa hapunan noong Oktubre 13 at kinabukasan ay hindi na umano nila ito nakita pa habang nagpaalam naman sa kanila si Todillo na aalis na dahil sa malalang karamdaman nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with