^

Police Metro

Love triangle tinapos sa baril

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinapos ng isang vendor ang buhay ng kapwa vendor na ang live in partner ay dati nitong kinakasama nang kanya itong pagbabarilin kamakalawa sa Pasig City.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Carmal Bata, nasa hustong gulang, vendor ng Pasig Mega Market habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Mac-Mac”, vendor din ng nasabing palengke.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-5:40 ng hapon sa ikalawang palapag ng Pasig Mega Market na matatagpuan sa Barangay San Nicolas sa lungsod ay nakaupo at nagpapahinga ang biktima nang dumating ang suspek na armado ng baril at walang kaabug-abog na  pinagbabaril ang biktima at pagkatapos  ay mabilis ding tumakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya na selos ang motibo ng krimen matapos malaman ng suspek na ang biktima ay ang bagong kinakasama ng dati niyang live in partner  matapos siyang iwan nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with