^

Police Metro

Transport strike mapayapa

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pangkalahatang assessment ng pulisya ay naging mapayapa ang inilunsad na tigil pasada ng ilang transport group sa Metro Manila sa kabila ng konting girian. 

Sa monitoring ng PNP ay sinabi ni Supt. Vermelee Madrid, deputy spokesperon ng Public Information Office (PIO) ng PNP, nasa kabuuang 1,011 drivers lamang sa buong bansa na mayorya ay sa National Capital Region (NCR) ang lumahok sa tigil pasada.

Kabilang sa mga nagsisipagprotesta ay ang mga miyembro ng  Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), Kilusang Mayo Uno (KMU), Gabriela Women’s party-list at iba pang militanteng grupo.

Bagaman, inihayag ng PISTON na 80%-90% na paralisado ang biyahe ng mga jeepney sa Metro Manila ay inihayag ng mga opisyal na hindi naman gaanong apektado dahilan sa may mga bus at trucks na ipinakalat ang mga ahensya ng gobyerno.

Bukod dito ay hindi naman nakiisa sa strike ang ibang mga tsuper ng jeepney  at wala ring pasok sa mga eskuwela  partikular na sa Metro Manila kaya wala namang gaanong nahirapan sa mga commuters.

Ipinoprotesta ng grupo na ibasura ang jeepney modernization program ng gobyerno o ang pag-phase out sa mga lumang jeepney sa Metro Manila.- Joy Cantos, Lordeth Bonilla, Danilo Garcia, Mer Layson,

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with