^

Police Metro

Paghahanap sa 10 pang tripulante, patuloy

Ludy Bermudo - Pang-masa

Sa lumubog na barko…

MANILA, Philippines — Walang sinasayang na oras ang Philippine Coast Guard sa patuloy na search and rescue ope­ration nito para sa sampu pang nawawalang  tripulante ng lumubog na barkong M/V Eme­rald Star habang ang 16 na kasamahan nito ang nailigtas noong nakalipas na Biyernes.

Tiniyak naman ni Joel Nievo, operations officer ng PCG-District Northeastern Luzon na walang Pilipinong crew ang kabilang sa naturang insidente.

Nabatid na pasado alas 8:00 ng umaga kahapon nang idaong ng Coast Guard sa San Vicente Port sa Sta. Ana, Cagayan ang lima pang survivors habang noong Biyernes naman na-rescue ng isa pang foreign vessel ang 11 crew.

Pawang nagtamo sila ng multiple physical injuries at head trauma na kasalukuyang nakaratay na sa Father Gerry Filippetto Memorial Hospital .

Matatandaang noong Biyernes habang nananalasa sa bansa ang bagyong si ‘Odette’, nang lumubog ang nasabing dayuhang barko na galing HongKong at patungo sana sa Indonesia, sa layong 151 nautical miles northeast sa karagatan ng Sta. Ana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with