^

Police Metro

Kapag mangharang aarestuhin!

Danilo Garcia - Pang-masa

PNP binalaan ang PISTON at militante…

MANILA, Philippines — Nakatakdang ares­tuhin ng mga pulis ang mga mi­yembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at mga kaalyadong militanteng grupo sa oras na makitang mangharang sa ibang mga jeepney drivers na mamamasada ngayong araw ng “transport holiday”.

Ito ang naging babala ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde kaya’t nagpapakalat na siya ng mga “police assistance desks” sa mga istratehikong lugar upang magbantay sa mga raliyista na maaaring masumbungan ng mga pasahero o tsuper sa mga paglabag na gagawin ng mga sasama sa transport strike.

Bukod dito ay aayudahan din nila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) sa pagpapakalat din ng kanilang mga transport vehicle para magsakay sa mga pasaherong inaasa­hang mai-stranded sa mga lugar na maaapektuhan ng strike.

Nagpahayag na rin ng libreng sakay ang iba’t ibang lokal na pamahalaan upang maghatid sa mga pasahero na maii-stranded.

Tinatayang 40 bus at mga military trucks ang ipakakalat ng Joint Quick Response Team na binubuo ng DOTr, MMDA, Armed Forces of the Phi­lippines at iba pang ahensya para magsakay ng mga pasahero.  Nakakalat ang mga sasakyan sa mga staging areas kabilang sa: Monumento sa Caloocan City; SM Marikina; Luneta Parade Ground; HK Sun Plaza Southwest Integrated Provincial sa Pasay City; TechnoHub Quezon City; MMDA parking lot at Camp Aguinaldo.

Maaari namang tumawag ang publiko sa MMDA Hotline 136 upang iulat ang mga lugar na may mga stranded na pasahero upang maser­bisyuhan ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with