Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

2 sangkot sa droga, itinumba

Minamasdan ng miyembro ng Scene of the Crime Operatives ang bangkay ng isang lalaki na umano’y sangkot sa droga matapos barilin ng hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Tramo St., Pasay City  kamakalawa.Miguel De Guzman
 

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang nasawi nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong biktima  kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang pagbabarilin at mapatay ng anim na lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo ang biktimang si Rolando Almojela, 40, construction worker, ng  Tramo St., Brgy. 48, sa harap mismo ng kanyang  walong taong gulang na anak na lalaki.

Bago tumakas ang mga suspek ay nag-iwan ang mga ito ng karatula sa gilid ng bangkay ng biktima na nakasaad, “Marami pa ang susunod na mamamatay, umiwas na kayo sa droga.”

Makalipas ang sampung minuto pinagbabaril din at napatay ng tatlong pa ring  riding-in-tandem criminals ang biktimang si  Andi Parpan, 38,  isa umanong drug runner sa Tramo St. Brgy. 43 sa natu­rang lungsod habang ito ay nakatayo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: