Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tanod inutas sa STL

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga suspek ang isang barangay tanod habang ito ay nagre-remit ng koleksyon sa taya ng Small Town Lottery kamakalawa ng gabi sa (STL) Brgy. Recodo, Zamboanga City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jolito Martizano,tanod ng Brgy. Tulungatung, Zamboanga City.

Batay sa ulat, dakong alas-7:50 ng gabi ay kasalukuyang nagre-remit ang biktima ng koleksyon sa mga taya sa STL kay Jun del Campo sa Purok 8 C, Dacon Homes, Brgy. Recodo ng lungsod nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang lalaking suspek na armado ng kalibre 45 baril at walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon.  

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: