Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Shootout: 3 karnaper patay

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong pinaghihinalaang notor­yus na miyembro ng robbery holdup at carnapping gang matapos manlaban sa mga otoridad sa magkakahiwalay na shootout kamakalawa ng gabi sa Cagayan at Bulacan.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 2, dakong alas-8:00 ng gabi bago makasagupa ng mga elemento ng pulisya ang limang armadong lalaki sa Brgy. Gadu, Solana, Cagayan ay hinoldap ng mga ito ang estudyanteng si Jayem Caraguian,19 na puwersahang inagaw ang sinasakyan nitong motorsiklo.

Isinunod naman nilang biktimahin si Christian Danao, 28 na inagawan rin ng motorsiklo matapos na hol­dapin saka tumakas patungo sa direksyon ng Kalinga.

Sa inilatag na checkpoint ay nakasagupa naman ng pulisya ang mga suspek  matapos na manlaban nang maunang paputukan ang mga otoridad na ikinasawi ng dalawa sa mga suspek habang arestado naman si Richard Culang, 32.

Narekober  ng pulisya ang dalawang kinarnap na motorsiklo, isa rito ay isang Honda XRM, isang cal 9 Mm Ingram, isang cal. 38 revolver at mga bala.

Dakong alas-8:35 naman ng  gabi nang makasagupa ng mga otoridad ang dalawang notoryus na holdaper sa Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan at napatay ang suspek na inilarawang nasa 5’10” at 5’11” ang taas, nakasuot ng kulay itim na sando, maong na pantalon at may tattoo sa balikat habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Positibo namang kinilala ang napatay na suspek ng vendor na hinoldap ng mga ito na kinilalang si Rubylina Gumasing, 37 na tumangay sa  P800 nitong kita. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: