Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Article of impeachment vs Bautista isinumite na

MANILA, Philippines — Nasa anim na pahinang article of impeachment laban kay Comelec Chairman Andres Bautista ang  isinumite na ni Kabayan Rep. Harry Roque sa Komite ni Reynaldo Umali, ilang oras matapos i-impeach ng Kamara ang una.

Nakasaad dito ang apat na article na nagdedetalye ng mga umano’y katiwalian at mga paglabag ni Bautista na basehan ng grounds for impeachment dito na graft and corruption, betrayal of public trust at culpable violation of the constitution.

Sa unang article, nakasaad ang pagkakaroon ni Bautista ng 30 na magkakahiwalay na bank accounts sa Luzon Development Bank sa Fort Bonifacio sa Taguig na may kabuuang deposito na P227.701,000 milyon  na nakapangalan sa kanya at mga kaanak niya.

Maliban dito, ang limang accounts sa nasabing bangko sa Makati na may depositong mahigit sa P101,519,000 milyon at mga foreign currency account at peso account sa RCBC na may $12,778 US dollars at P257,093,000 milyon.

May hiwalay pa umano itong HSBC bank account sa Hong Kong na may kabuuang deposito na 948,358 Hong Kong dollars.

Bukod dito, marami din umanong real property at kumpanya si Bautista kung saan ilan dito ay hindi deklarado sa kanyang SALN.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Habang ang Article 2 naman ay nakatutok sa pagtanggap umano ni Bautista ng komisyon sa Divina and Uy law office dahil sa pagre-refer ng mga kliyente dito mula noong PCGG chairman pa siya hanggang sa mapunta ng Comelec.

Sa article 3, inaakusahan si Bautista ng hindi pagiging tapat sa pagdedeklara ng totoong asset sa SALN.

 Samantala, ang Article 4 naman ay tungkol sa isyu ng Comeleak na naglagay umano sa kompromiso ng integridad ng halalan sa bansa. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: