Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Drug war ni Duterte aprub sa 77% Pinoy-survey

MANILA, Philippines — Aprub ang walo sa bawat sampung Pinoy ang kampanya ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.

Ito ay batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na  ipinalabas nito lamang Miyerkules.

Iniulat ng SWS na 77 porsiyento ng mga Pilipino ang sang-ayon at sumusuporta sa kampanya ng pamahalaan na walisin ang problema sa droga.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, malinaw na ipinapakita ng resulta ng survey ang mataas na tiwala ng mamamayan sa naturang kampanya.

Idinagdag pa ni Andanar na sa kabila ng pagiging abala sa illegal drug campaign, nananatiling nakatuon ang atensyon ng Pangulo sa mga programang mag-aangat sa katayuan ng mahihirap.

Kasabay nito, iniulat din ng SWS na 71 porsiyento o mahigit pito sa bawat sampung Pilipino ang naniniwala na mas kumunti o bumaba ang bilang ng mga drug suspect sa kanilang lugar.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Isinagawa ang survey noong Setyembre 23 hanggang 27 kung kailan maingay ang mga isyu sa Extra Judicial Killings. Batay sa survey ng SWS, hindi halos natinag ang paniniwala ng karamihan sa mamamayan sa drug campaign sa kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos dito ng simbahan at oposisyon. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: