Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

PNP tigil na sa oplan tokhang

MANILA, Philippines — Itinigil na ng Philippine National Police ang operasyon nilang Oplan Double Barrel Reloaded at Tokhang Revisited.

Ito ang nilalaman ng ibinabang memorandum kahapon ni PNP Deputy Directorate for Operations Chief P/Director Camilo Pancratius Cascolan alinsunod naman sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte  na  nag-aalis ng kapangyarihan sa PNP  na manguna sa drug campaign at sa halip ay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lamang ang frontliner sa operasyon.

Sinabi ni Cascolan na bawal mag-operate ang mga pulis sa anti-drug campaign at sinumang susuway ay mahaharap sa kaukulang kaparusahan.

Ayon naman kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa, magpapatuloy ang intelligence operations at monitoring  ng PNP operatives laban sa mga sindikato ng droga at anumang makukuha nilang impormas­yon ay ipapasa sa PDEA.

Inamin ni Dela Rosa na nanghihinayang siya sa patuloy na tagumpay ng giyera kontra droga na nahinto pero nangyari na at tatalima sila sa  direktiba ng Commander in Chief.

Inihayag naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos na  magpopokus na lamang ang PNP operatives sa pagpapababa ng kriminalidad, Internal Security Operations (ISO) at counter terrorism.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Subalit, kung sakali namang maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya ang abutan ng droga o bentahan ng mga drug pushers at kanilang mga adik na kliyente ay maaari pa rin ang mga itong ares­tuhin ng mga pulis at matapos ito ay itu-turnover sa PDEA.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: