Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

De Lima ilipat sa city jail

MANILA, Philippines — Matapos na ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Senador Leila De Lima na kumukuwestiyon sa kanyang warrant of arrest ay dapat na itong ilipat sa ordinaryong kulungan o city jail.

Ito ang inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez  kasabay nang pagkatig sa pasya ng Korte Suprema na inayunan din ng mga lider ng oposisyon sa Kamara na sina House Minority leader Danilo Suarez at Senior Deputy Minority leader Lito Atienza.

Ayon kay Suarez, nararapat lamang kay De Lima ang desisyon ng Korte Suprema, dahil sa nakita naman ang pagkalat ng problema ng droga sa loob ng anim na taon na panunungkulan niya kaya hindi dapat ito palampasin.

Para naman kay Atienza na ang desisyon ng Kataas-taa­sang Hukuman  ay tama at nagpapatunay na conscience vote at sa wisdom ng mga mahistrado ay nakakadidismaya kung sinuportahan nila si De Lima.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: