Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

16-anyos nagbaril sa ulo

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 16-anyos na high school student nang magbaril sa ulo sa loob ng kanyang kuwarto sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Isaiah Paguia Lustre, residente ng No. 19 Hilo St., Silvina Village, Brgy. Talipapa ng lungsod.

Batay sa salaysay ng mga kapatid ng biktima na sina Ezekiel at Naomi na sila ay abala sa pag­lalaro sa tablet nang makarinig sila ng putok ng baril dakong alas-7:45 ng gabi mula sa kuwarto ng biktima.

Agad  nilang pinuntahan ang silid ng biktima at nakita nila na duguan itong nakahandusay sa sahig.

Humingi ng tulong ang mga kapatid sa kanilang mga kapitbahay at isinugod sa Pacific Global Medical Center ang kapatid, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon sa mga kapamil­ya na walang nasasabing mabigat na problema sa kanila si Isaiah, pero napapansin nila nitong mga huling linggo ay malungkutin, bugnutin, ayaw makipag-usap sa kanila at laging nagkukulong sa kanyang kuwarto.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tumanggi naman ang ama ng biktima na si Ulysses na paimbestigahan pa dahil kumbinsido umano siyang nagpakamatay ang kanyang anak.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: