^

Police Metro

Tserman, 1 pa niratrat, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead on arrival ang isang barangay chairman at kasama nito habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin ng apat na lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo kamakalawa sa Brgy Baybay, Liloy, Zamboanga del Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Philip Malon, 40, Chairman ng Brgy. Mucas, Salug, Zamboanga del Norte at Edgard Lagare, 27.

Nilalapatan ng lunas sa Dipolog City Hospital ang mga sugatang sina Ava Vega, 35, ng Brgy. Liguac, Salug  at Ari Acas, 25.

 Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Helen Galvez, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, bago nangyari  ang insidente  dakong alas-5:10 ng hapon sa Brgy. Baybay, Liloy ay nagtungo sa isang itinatayong gusaling pang-komersyo na pag-aari ni Marjhon Bihag, Sangguniang Bayan member ng Liloy, Zamboanga del Norte  ang mga biktima upang makipagkita kay Marichu Acas nang biglang sumulpot ang mga salarin at sila ay pagbabarilin

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with