^

Police Metro

PNP iimbestigahan ang Duterte’s Marawi drug matrix

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakda nang imbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang Marawi  drug matrix ng mga pulitikong sinasabing nagpondo sa rebelyon sa lungsod.

Ang hakbang ay kaugnay sa pagbubulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga narco politicians umano kabilang ang napatay na si dating Ozamis City Mayor Reynaldo “Aldong “ Parojinog ang nagpondo ng rebel­yon ng Maute terror group sa lungsod ng Marawi.

Ang pagbubunyag  sa panibagong drug matrix ay ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-5 beses na pagbisita sa Marawi City kung saan halos apat na buwan na ang krisis  kaugnay ng patuloy na bakbakan ng tropa ng militar at ng Maute –ISIS.

Kabilang sa mga narco politicians na sinasabing nagpondo sa rebelde ay kinasasangkutan rin ng mga mayor at bise alkalde sa  lalawigan ng Lanao del Sur.

Ayon sa PNP, sa pamamagitan ng money trail ay  ina­alam na ng kanilang mga imbestigador kung ano ang naging ugnayan ng mga drug lords at mga pulitiko sa Maute-ISIS terror group.

Tinutukoy rin sa bagong drug matrix ay  ang dating alkalde ng lungsod ng Marawi na si Omar Solitario na mayroon na ring arrest order mula sa Defense department.

Si Solitario ay una nang tumanggi sa paratang at nag-alok na tutulong sa pagresolba sa krisis sa kanilang siyudad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with