^

Police Metro

Trike driver utas sa ambush

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang tricycle driver nang ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem habang namamasada kamakalawa sa Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Ang nasawi ay kinilalang si Jade Manuel, 26, ng Coronado St., ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:45 ng hapon ay namamasada ang biktima at pagdating sa Makati-Mandaluyong Bridge ay doon na siya pinagbabaril ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Agad na tumakas ang mga suspek nang masigurong patay na ang biktima patungo sa direksyon ng Makati City.

Paniniwala naman ng pamilya nito na posibleng mistaken identity ang nangyari dahil wala sila umanong alam na kaaway ang biktima, na kilala sa pagiging masipag sa paghahanapbuhay at tumutulong pa sa pagpapaaral ng kanyang mga pinsan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with