^

Police Metro

300 bagong pulis Caloocan binalaan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipasisibak sa serbisyo ang 300 bagong talagang pulis sa lungsod kung mandaraya ang mga ito sa pagre-report sa oras ng trabaho.

Ito ang naging babala ni Caloocan City Police chief, Sr.Supt. Jemar Modequillo sa bagong 300 pulis na papalit sa mga nasibak na pulis sa lungsod.

Hindi na umano niya irerekomenda ang suspensyon ng mga pulis na mapapatunayang nandaya kundi tanggal agad sa serbisyo.

“If you really want, insisting na matigas ang ulo n’yo, we will make sure na matatanggal kayo.

Kung malakas kayo at magpapa-relieve, ‘di ko kayo ire-relieve. Gagawa lang ako ng report,” ani Modequillo.

Nagbuhat ang 300 pulis sa Malabon, Navotas at Valenzuela City Police Stations na ikakalat sa pitong police community precincts at ilang units ng Caloocan City Police na may 1,200 puwersa na planong sibakin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde.

Hiningi rin ni Modequillo ang tulong at kooperasyon ng mga bagong pulis para ibangon ang nadungisang imahe ng Caloocan City Police at magtrabaho nang buong tapat.

Dapat din umanong bawat pulis ay maring Public Community Relations man (PCR man) na palaging nakikipag-ugnayan sa taumbayan nang buong galang upang maibalik ang tiwala sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with