^

Police Metro

Ina ng isa sa suspek sa hazing, kakasuhan din

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni MPD Director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel na pati ang ina ni Ralph Trangia ay makakasuhan din dahil sa pag-asiste nito sa pagtakas ng anak.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na kahit walang direktang partisipasyon ang ina ni Ralph sa pagkamatay ni “Atio”, mananagot ito sa pagkakanlong sa anak.

Nakita sa security cameras sa immigration counter ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na magkasama si Ralph at ina nang sumakay sa eroplano patungong Chicago, Illinois noong madaling araw ng Setyembre 19, dalawang araw matapos na mamatay si Castillo.

Natukoy din ng BI na dumaan sa immigration ang mag-ina dakong ala-1:53 ng madaling araw at nakumpirma rin ang pagdating sa Estados Unidos.

Ibinunyag pa ni Coronel na marami pa silang ipina-follow-up at kabilang na ang mga alumni ng Aegis Juris Fraternity na sinasabing may partisipasyon sa naturang hazing.

Madadawit din sa kaso ang mga sorority members na present o naroon sa initiation rites.

Ngayong araw ay nakatakdang isalang sa inquest proceedings si Solano sa Department of Justice (DOJ) para sa reklamong perjury at paglabag sa Anti-hazing Law habang inihahanda pa ang ibang kasong maaaring kaharapin ni Solano at iba pang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with