^

Police Metro

1 pang person of interest, lumutang sa NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa
1 pang person of interest, lumutang sa NBI

Lumutang sa tanggapan ng NBI ang isa pang person of interest kaugnay sa insidente ng hazing sa biktimang si Horacio Castillo. Makikitang pumipirma si  Aeron Salientes sa kanyang isinumiteng affidavit sa NBI . Si Salientes  ay kabilang sa 20 nasa lookout bulletin order ng DOJ at person of interest sa Horacio hazing.

Sa Horacio hazing

MANILA, Philippines — Nagtungo sa tanggapan ng  National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang person  of inte­rest at kabilang sa isinailalim sa lookout bulletin order ng  Bureau of Immigration (BI)  kaugnay sa Horacio hazing slay case para linisin ang kanyang pangalan..

Ang lumutang ay si   Aeron Salientes, UST Latin Legum Baccalaureus (LLB) student,  na nagsabing matin­ding   stress  umano na kaniyang nararanasan matapos mapabilang sa person of interest,  gayung wala siyang kinalaman sa pangyayari sa estudyanteng si Horacio Tomas Castillo III.

Kaya aniya, kusa na siyang  pumunta sa NBI para linisin ang kaniyang pangalan at bukas siya sa anumang im­bestigasyon.

Masama aniya, ang loob niya nang magsubmit ang University of Sto. Tomas (UST) ng mga pangalan na kasama siya.

“Kung magsasabi ako na wala akong kinalaman hindi naman basta paniniwalaan kaya may dala akong video, kuha ito ng closed circuit television ng Kapalaran Bus Terminal sa Doroteo Jose St. sa may D. Jose LRT station yan, may oras at petsa ang kuha niyan na magpapatunay na sumakay ako at umuwi ng Pampanga nang mangyari ang welcome party. Bago pa yun, kasama ko ang girlfriend ko nagmeryenda kami. Araw-araw kailangan ko umuwi sa Pampanga from UST at vice versa nung Sabado na yun may CCTV rin na kuha naman sa bahay namin sa Pampanga,” ani Salientes.

Paliwanag niya, kahit siya ay miyembro ng Aegis Juris Fraternity, hindi siya active dahil hindi kinakaya ng oras niya, wala siyang partisipasyon sa nangyari maging sa planning ng welcome rites at katunayan  ay hindi rin siya nagdeactivate sa kaniyang Facebook kahit pumutok na ang  balita sa Horacio hazing.

Hindi rin daw siya na-involve sa anumang hazing activities dahil hindi siya pabor sa hazing.

Nang tanungin kung ka­kilala niya si John Paul Solano, ang principal suspect na sumuko na at nasa kustodiya ng pulisya, sinabi niya na nakita niya na at hindi gaanong kakilala.

Nagsumite na ng sinum­paang salaysay kamakalawa ng gabi si Salientes sa NBI-Death Investigation Division (DID) para patotohanan ang kawalan niya ng partisipasyon sa insidente ng hazing.

Nabatid na bukod sa on-going investigation ng Manila Police District (MPD) may isinasagawang sariling imbestigasyon ang NBI.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with