Duterte handang bawiin ang martial law sa Mindanao
MANILA, Philippines — Pagkatapos ng clearing operations sa Marawi City at masigurong hindi na magkakaroon ng spillover sa banta ng terorismo sa ibang lugar Mindanao ay nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin na ito.
“Yes, when it’s safe,”paliwanag pa ni Pangulong Duterte sa media interview kamakalawa nang dumalaw muli ito sa Marawi City.
“The catch word is when it’s safe here in Mindanao; there is no pulling of a… spillage of men. As long as it remains manageable and the police can take care of it,” dagdag pa ng Pangulo.
Bago niya bawiin ang Martial Law sa Mindanao ay uunahin muna ang clearing operations sa Marawi at kailangang masiguro na wala ng magiging banta ng terorismo sa ibang lugar sa Mindanao.
“I have to clean the place and watch out if there is a spillover or any sympathy group would initiate the trouble again,” giit pa ni Duterte sa ikalimang pagdalaw nito sa tropa ng gobyerno sa Marawi kamakalawa.
Magugunita na idineklara ni Duterte ang Martial Law sa Mindanao noong Mayo 23 nang lumusob ang Maute-ISIS group sa Marawi City.
- Latest