^

Police Metro

300 pulis mula Malabon, Navotas at Valenzuela inilipat sa Caloocan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 300 pulis mula sa Malabon, Navotas, at Valenzuela ang inilipat sa Caloocan City upang punan ang kakulangan sa puwersa dulot ng malawakang sibakan.

Pinangunahan ni Northern Police District (NPD) Director, Chief Supt. Amando Clifton Empiso ang send-off sa 300 pulis at inatasan na gampanan ng buong katapatan ang tungkulin.

Anya, ang paglilipat ng kanilang mga tauhan ay isang polisiya ng pambansang pulisya na maging mga matataas na opisyal ay maaaring malipat ng assignment anumang araw.

Sa pagdating ng mga bagong talagang pulis, ipinaliwanag sa kanila na maitatalaga sila sa isa sa pitong Police Community Precincts kabilang ang PCP 2, 4 at 7 na sangkot sa mga kontrobersya.

Inaasahang higit sa 1,000 pulis ang tatanggalin sa Caloocan Police kung saan inuna na ang mga tauhan ng PCP 2, 4 at 7.

Hinihintay pa rin ang dagdag pang pulis buhat sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) at ang mga miyembro ng Davao City Police. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with