^

Police Metro

Taxi driver na dawit sa pagpatay kina Carl at ‘Kulot’, primary suspek na-Aguirre

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinama na sa listahan ng mga primary suspek si Tomas Bagcal, ang taxi dri­ver na nagsabing hinoldap umano siya nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman alyas “Kulot” bago napatay ng mga pulis si Arnaiz habang ang huli ay natagpuang patay sa Gapan, Nueva Ecija.

“Sinama po si Tomas Bagcal as a principal (suspect) by direct participation in the killing of the two,” saad ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ayon kay Aguirre, sinampahan ng kaso si Bagcal matapos nitong big­lang sabihin na kutsilyo ang ginamit nina Arnaiz at De Guzman sa panghoholdap, ibang-iba sa nauna niyang pahayag na may dala umanong baril si Arnaiz ng gabing mapatay ito.

Nagpabagu-bago ang salaysay ni Bagcal matapos lumutang ang isang bagong testigo na nakita umanong magkakasama sina Arnaiz, de Guzman alyas “Kulot,” Bagcal at ang mga pulis-Caloocan.

Ayon sa testigo, sakay ni Bagcal sa harapan si Police Officer 1 Jefrey Perez, at sa likod naman ng taxi ay magkatabi ang 14-anyos na si De Guzman, 19-anyos na si Arnaiz at isa pang lalaki.

Ilang saglit ay naka­rinig na raw ang testigo ng dalawang putok ng baril.

Nang sundan niya ang pinanggalingan ng putok, nakita niyang may nakabulagta sa damuhan at nandoon din daw si Bagcal, Perez, iba pang mga pulis na nakasibilyan at mga barangay tanod.

Tumanggi munang humarap sa camera ang testigo, pero ayon sa kanya, handa siyang magsalita at tumulong sa imbestigasyon basta’t mabibigyan siya ng seguridad.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with