^

Police Metro

CHR iimbestigahan na rin ang mga karumal-dumal na krimen

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Nangako ang pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) na maging ang mga karumal-dumal na krimen na gawa dahil sa impluwensya ng illegal na droga ay kanila na ring iimbestigahan.

Ito ang sinabi ni Davao Rep.  Karlo Alexei Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations matapos na mangako sa kanila si CHR chairman Chito Gascon na mas palalawakin pa ang kanilang mga ginagawang imbestigasyon  at hindi lang nakatutok sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagawa ng estado.

 Ito lamang umano ang ilan sa mga ipinangako ni Gascon sa pagharap sa mga lider ng Kamara partikular kay House Speaker Pantaleon Alvarez nang hilingin na maibalik ang kanilang pondo para sa 2018.

Subalit, hindi buong pondo umano ng CHR ang ibabalik ng Kamara at P508 milyon lang ang magi­ging pondo nila para sa 2018 mula sa P623 milyon na inilaan ng DBM.

Dahil binawasan umano nila ang traveling expenses, representation expenses at subscription expenses ng CHR.

Kahit na nakaltasan ay siniguro naman ni Nograles na hindi naman maaapektuhan ang mga programa ng CHR sa susunod na taon. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with